Saturday, June 25, 2011

Seventeen

17 things about me...

17. Favorite number ko ay 17. ( hindi naman obvious no?)

16. Panganay ako sa aming magkakapatid. Dapat junior ako ng tatay ko pero naawa sakin at binigyan na lang ako ng pangalan na derived sa pangalan niya. Kaya babe muntikan na tayo maging magka nickname. Lol.

15. Nag aral ako sa private at public schools nung elementary ako. Sa private school natuto akong maging prim and proper, mag socialize at magsalita ng English. Marangya ang buhay private school. Sa public school naman natuto akong maging makikapwa. Nde magmahal ng kapwa lalaki ha, lol, pero makikapwa in the sense na natuto akong mag appreciate ng kung ano meron ako kse normally wala yun sa mga kaklase ko. Example, magandang damit, gamit, etc. So natuto akong mag share. At namulat din ako sa realidad ng mundo.

14. Lagi akong teacher's pet. Siguro dahil na din magaling ako mag english at lagi ako nasasali sa oration, essay writing at declamation. Mga beking skills lang, lol. Pero lagi din ako kasali sa mga quiz bee ( science, history at math. oo Math!).


13. Nagsimula akong magbasa ng Hardy Boys at Nancy Drew nung Grade three ako, at natapos ko ung lahat ng books nila kasama na ang Super Sleuths Series na andun silang tatlo bago ako nag graduate ng highschool.

12. Hindi ako mashadong matangkad nung elementary ako, average lang ang height ko. Pero nung tinuli ako summer ng Grade six, bigla ako umusbong. LOL. Tumangkad ako, nde na kelangan mag cherifer. hehehe.

11. Nung tinutuli ako nung grade six, sabi ng doctor habang hawak hawak niya ung beerd ko, meron daw ako "potential". Hindi ko naintindihan yun. Second year high school ko na nalaman ang meaning ng "potential" nung nagbabasa ako ng pocketbook, author nun ay si Sidney Sheldon. hahaha

10. Na addict ako kay Sidney Sheldon, Jeffrey Archer, at Erich Segal nung higschool ako. Lahat yata ng libro nila ay nabasa ko na.

9. Nagsimula ang aking pagmamahal sa sports na Volleyball nung elementay pa lang ako. Idol ko na nun ang teams ng China at Brazil. Hanggang ngayon volleyball pa din ang pambansang sports ng buhay ko. Sunod dun ay pag jajacks na. :P

8. Iyakin ako. Lahat ng movie na napanood ko, as in lahat, ay naiyakan ko.

7. Nagkaroon ako ng dalawang girlfriends. Isa nung highschool at isa nung college. Tuwang tuwa ang tatay ko nung nalaman niya ito. Bagkus, mas mahal pa nila ang GF ko kesa akin. Birthday ko wala silang gift pero birthday ng gf ko meron silang gift. hahaha

6. Dahil siguro sa mahilig ako magbasa ng libro at umiyak sa mga sine, at sa hindi masyadong masayang childhood, naging masyado akong sensitive. Kaya minsan nagiging problema ito. Pero ngayon, sa tulong ng taong mahal ko, mag uumpisa na akong maging carefree sa buhay. Salamat babe sa pag uunawa :)

5. Mabait ako na kaibigan. Super bait actually. Mahal ko ang mga kaibigan ko at handa ko silang ipaglaban. Pero meron mga panahon na nababawasan din ang mga kaibigan kapag naging issue ang pagtitiwala. Nalulungkot ako pero hindi naman ako nang aaway. Hindi ko na lang pinapansin.

4. Malaki ang tiwala ko sa ating Panginoon. Dati ay sobrang involved ako sa church works. Ngayon na nagtatrabaho na, medyo hindi ko na naasikaso masyado ang tungkulin ko sa Kanya. Pero lagi ko Siyang kinakausap. Alam ko na maganda pa din ang relasyon ko sa ating Panginoon.

3. Mahalaga sa akin ang aking pamilya. Mahal ko ang aking mga magulang at mga kapatid at pamangkin. Handa akong gawin lahat lahat para sa kanila. Iyakin ako sa usaping pamilya.

2. Equally mahalaga din sa akin ang aking babe. Mahal na mahal ko siya. Tapat ako magmahal at handa kong gawin lahat para lang din sa babe ko. I'll always be there for my babe - to support him, understand him and care for him. And I know I'll also be a good parent to our future kid.  I love you babe. :)

1. I will always try to be a beacon of light for everyone. Sana matupad yung pangarap namin ng sister ko na maging multi billionaire para matulungan namin ang mga mahihirap nating mga kababayan. Meron na kaming nagawang plano for a shelter and livelihood program para sa kanila. Lord, it's all up to you. :)

Osha hindi pala kasya sa 17 lang. Kaso ayaw ko naman ilagay lahat, baka mawalan ng mystery ang pagkatao ko. Mahirap na din magkaroon ng clone. Ako ay unique at nag iisa lang. Til sa susunod na entry, sana hindi kayo na bore. Kung nabore man kayo kakabasa, wala na ko pakelam dun. LOL. Later. :)

*photo taken from Google images

4 comments:

Mugen said...

Nice! Ganda ng mga plano mo Makii ah!

Makii said...

Thanks kuya Mugs. hehehe. kung ssna ung plans e maging reality much better. wishing and praying and hoping. :)

Unknown said...

Awesome buddy.. Nice reading..

Makii said...

Thanks Tim, appreciate it