Tuesday, May 24, 2011

Vino

Was talking to Jepoy just this morning (uhm actually more like tweeting with Jepoy). Jepoy is a good friend na nakilala ko in my 2 months to date dito sa twitter world. Nag tweet kse siya ng THIS IS IT!!!! PLS PRAY FOR ME. Siyempre me being the concerned friend as always sent him a message asking what the tweet is for, kala ko kse baka meron siya sakit or something. LOL.

But Jepoy said its for a job he applied for, second job actually. I thought he was gonna say its because he wanted to earn extra but the reason he gave totally surprised me ... he wanted to be busy as he wanted to forget "something" or "someone".

Thus our talk about love and life.

Jepoy said baka daw meron pa siya makita dun sa bago niyang work if ever, baka daw makahanap din siya ng life partner tulad ko.

And I told Jepoy na dapat hindi ganyan. Siguro for others its true na hinahanap, ganyan. But for me, sabi ko kay Jepoy, hindi ako naghanap, hindi nga ako nag expect e and alam yan ni @jzeguion ( o ayan kapatid meron ka cameo role dito sa blog ko hehehe). Kusa lang dumating kaya siguro sobrang masaya ako. :)

Sabi ko pa kay Jepoy e wag hanapin ng sobra sobra at baka iba pa mahanap niya. Don't rush.

And Jepoy replied something like " masarap ang bulalo kapag matagal. pinakuluan. mas malasa. mas katakam takam. hehehe".

And I said " Tama. Parang aged to perfection lang."

And humaba pa ang kwentuhan kse sabi ni Jeps gusto daw niya mag general cleaning, mag linis ng sistema. Sabi ko naman tama lang naman, wala naman masama sa pag ooverhaul. Pero wag naman totally linisin ang past, kse sa past madami din tayo natutunan diyan, may wisdom na na gain and the past also made us who we are today. Sabi nga, ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay meron stiff neck. LOL.

Our talk made me realize a few things about my past. Maybe the few relationships I've had in the past didn't work out because talagang kinarir ko ang paghahanap. So parang napilitan lang ba yun or something? Kaya ba hindi nag work out kse nag rush ako noon?

And now that I have this something very very special that I didn't expect, ito na kaya ang sinasabi nilang fate? Destiny?

There may be lots of questions right now but if there is one thing I am sure of, it is that I LOVE my babe very much. And everyday I thank God for sending him to me. For being my angel. I am one lucky bloke to have him in my life. So long as I am with my babe I won't mind the wind and weather, as long as we walk the road together.

So here's to taking it day by day. And nurturing that love within us. And as each day bears witness to what we share, let time age our love to perfection. Cheers!

I love you babe. :)

1 comment:

Jepoy Dee said...

at kalahati talaga ng entry mo na ito ay ako ang bida? hahaha. mahilig naman akong pumapel kaya keri. hahaha

yon, alagaan ang relasyon. love love love. :)