Ano pwedeng gawin pag na stranded sa Marinduque dahil sa bagyo?
E d manood ng Pacquiao vs Mosley at uminum! LOL
Buti na lang meron generator sila tito. Brown out dito, sa kasagsagan ng Signal No. 1. Pero kahit meron generator sila tito e wala naman generator ang cable company dto hahaha. Si lolo Bonog ay bumili pa ng antenna sa bayan para lang makanood ng Pacquiao! At dahil naka antenna lang, imagine niyo naman ang reception dito. See sample below:
Daming food, pulutan, at walang humpay na supply ng aking paboritong indian mango hahaha.
At habang nag aantay ng laban ni Pacquiao ako'y umakyat sa veranda. Nagmasid masid sa paligid. Nag muni muni habang nakatingin sa mga puno ng indian mango, niyog, mga halaman sa garden ni tita at yung baboy na naka gapos sa puno ng niyog. hehehe
Kagabi nilagyan kami ng corona dahil sa nag perform ng Putong, yun ung traditional na welcome ceremony ng mga taga Marinduque. Yung mga elders ng barangay e nag chachant ng kung anong orasyon sa wikang sila lang ang nakakaintindi. Hindi ko tuloy alam kung kami ba ay sinasamba o sinusumpa. LOL.
Pero ang sarap ng feeling na meron nag eentertain sayo, na feeling mo hari ka sa lugar na yun. Napag isip ko tuloy kung ano ung feeling ng maging isang hari. Yng madami ka mauutusan lang at hindi ka na magtatrabaho. Sarap siguro ng ganun. Bibili ka ng kung ano gusto mo. Madami ka ari ari-an. Mag uutos ka ng mga boys na maghubad, ay! LOL
Parang si Pacquiao lang, andami ng pera at ari arian e d andami na din cguro chicks nun. lol
Maulan pa din dto pero nung last ko nicheck ang website ng pag-asa wala na signal no 1 sa marinduque. Hopefully makakauwi na kami ng manila mamayang gabi.
Go Pacquiao! Fight!
No comments:
Post a Comment